"Sabi ko, nalimutan mo na ba
ang sexy body ko? hi hi hi" ani
Beth "Ha? Eh. Hindi no. Paano naman
kita makakalimutan Beth." "Unforgettable ba ako? Ha ha ha"
biro ni Beth "Oo" may pagkaseryoso kong
sagot. "O bakit ka naman naging
seryosong bigla?" tanong ni Beth "Wala lang..." sambit ko. "Oo nga
pala, ano Yahoo Id ng
pinapanood mong nagsho-show
para mapanood ko rin." "He! Huwag ka ng manood." sabi
ni Beth "Sige na ng sabay nating
mapanood at makilatis ang
showgirl na yan" pagpupumilit
ko "Hay naku. Wag na. At baka
pagpantasyahan mo pa. Ako na
lang pagpantasyahan mo. He he
he" ani Beth "Aba sige ba" biro ko "Lelang mo... may... may gf ka
na nga eh" sabi ni Beth May naramdaman akong parang
lungkot sa kanyang boses. "Eh ikaw? Wala ka pa rin bang
boyfriend?" tanong ko "Marami..." sagot ni Beth "Sa
sobrang dami di ko maalala mga
pangalan hi hi hi" "Baliw ka talaga." sabi ko "Wala... wala akong boyfriend."
paniniguro ni Beth "Eh boylet? boytoy?"
pangungulit ko "Wala... di na... matagal ng
wala..." mahinang wika ni Beth.
"Ano nga ulit pangalan ng bago
mong gf?" "Ah si Mabel." sagot ko "Mabel? Pretty sya ha. Sexy rin."
sabi ni Beth "Syempre naman" sagot ko "Chick boy ka talaga Jun.
Katatapos mo lang sa isang
relasyon kay China girl eto
meron ka na namang bago" sabi
ni Beth. "Eh di ko nga rin alam. Wala
naman talaga akong balak
pumasok sa panibagong
relasyon eh." pagpapaliwanag
ko "Mahal mo ba si Mabel?" tanong
ni Beth "Hmmm siguro..." nagaalangan
kong sagot "Bakit siguro? Di ka sigurado?"
sunod-sunod na tanong ni Beth "Di ko rin alam eh. Ang tutoo di
ako sure" sagot ko Natahimik kaming pareho. "Bakit di ka pa kasi magka-
boyfriend eh" pagbabasag ko ng
katahimikan. "Kasi..." parang nanginginig na
sabi ni Beth. "Kasi may
pinangakuan ako dati..." At biglang binaba ni Beth ang
telepono... Kinabukasan… Tok! Tok! Tok! Bumukas ang pintuan. "Good morning" bati ko "Jun?" "Pwede ba akong tumuloy
Beth?" "Ha? Su.. sure, sure... pasok..."
sabi ni Beth Tumuloy ako sa sala at naupo. "Ang aga mo ah?" puna ni Beth "Eh sabi mo kasi idaan ko itong
mga pasalubong ko sa yo" sagot
ko "Ay oo nga pala." sabi ni Beth.
"Ang dami nito. Salamat ha." "Wala yan. Mas marami sana
iuuwi ko kaso mabigat na ang
mga dala ko eh" dagdag ko "Ok lang no. Ang dami na nga
nito eh. Hiya tuloy ako." sambit
ni Beth "Ano ka ba Beth? Ngayon pa
tayo magkakahiyaan eh
matagal-tagal na rin tayong
magkakilala" "Maraming salamat talaga" paulit
na pasalamat ni Beth "Teka nga pala. Bakit mo ako
binabaan ng phone kagabi?"
biglang tanong ko Natahimik si Beth. Inantay ko
syang sumagot. Di rin ako
masyadong nakatulog kagabi.
sinubukan kong tawagan si Beth
matapos nya akong babaan ng
telepono kagabi pero di nya sinasagot ito. Di ko alam kung
may nasabi ako mali na kinagalit
nya o kung ano. "Beth? May problema ba?" "Ha? wala... wala Jun" "Eh bakit mo nga ako binabaan
ng phone?" ulit ko "Wala lang. Ewan ko. Parang
nalungkot lang ako" sagot nya "Nalungkot? Tapos babaan mo
ako?" nagtatakang balik ko Di makaimik si Beth. "May nagawa ba akong mali sa
yo Beth?" "Wala Jun... wala" "Bago mo binaba yung phone,
sabi mo may pinangakuan ka.
Sino ba yun ha?" pangungulit ko
...
...
"Wala. Di mo kilala" tipid na
sagot ni Beth "Ikaw ha? Di ka na
nagkukuwento. Ano nga
ngalan?" tanong ko "Di na importante kung sino"
sagot nya Napansin kong parang
nalulungkot lang si Beth sa topic
na yun. Tinignan ko ang orasan
sa sala nila. "Mag-a-alas diyes na pala. O sige
Beth. Una na muna ako." "Ba... bakit? May lakad ka?"
tanong ni Beth "Pupunta lang ako kina Mabel.
Dun daw ako mag-lunch at
nagluto sya." sagot ko "Ah... ok... ok..." mahinang sabi
ni Beth "Sige. See you later ganda."
paalam ko Hinatid ako sa may pintuan ni
Beth. Bago ako tuluyang
umalis... "Di mo ba talaga sasabihin sino
yung pinangakuan mo?" ulit ko "Di" mahinang tugon ni Beth "O sige... ano na lang ang
pinangako mo sa kanya aber?" Waring nagisip si Beth. Papalayo
na ako ng sumagot sya: "Na... na nandito ako lagi para sa
kanya." Pagkatapos nun sinara ni Beth
ang pintuan. Natigilan ako. "Di kaya?" isip ko Nagalinlangan ako. Babalik ba
ulit ako kina Beth para kausapin
o puntahan ko si Mabel na
naghihintay na sa akin? "Mali siguro iniisip..." bulong ko
sa sarili Naglakad ako hanggang sa may
kanto at nagabang ng taxi. Ilang
minuto lang at nakapara ako at
dali-daling sumakay. Nagpahatid
ako sa may Taft Ave., kina
Mabel. Sa loob ng sasakyan, di ko pa rin maalis sa aking isipan
ang sagot ni Beth. "Nandito ako lagi para sa
kanya..." "Yun ang sinabi nya sa akin
nung niligawan ko sya..." sa
wari-wari ko Tandang-tanda ko pa yun. Mga
tatlong taon na ang nakakalipas.
Yun ang panahon na nahulog
talaga ang loob ko kay Beth. Sa
tutoo lang, mahal ko pa rin si
Beth. Minsan pag nakikita kong may naghahatid sa kanya pauwi
sa apartment, di ko mapigilang
makaramdam ng selos. Minsan
naisip ko, bakit di naging kami?
Mahal ko sya at mahal nya ako.
Pero bakit di kami magkatuluyan? Bago ako
manligaw kay Lorna nun,
nagpaalam pa ako kay Beth. Ok
lang naman daw sa kanya. Wag
ko daw syang alalahanin. "Live your life. I'm happy for
you." Yung ang sabi nya lagi sa akin.
Kahit na naging kami ni Lorna
and eventually ni Mabel, nanatili
kaming magkaibigan ni Beth.
Pag may problema kami,
takbuhan naming dalawa ang isa't isa. Naisip ko na baka wala
talagang feelings sa akin si Beth.
Kaibigan lang ...
No comments:
Post a Comment