Monday, December 17, 2012

Init 13

"Ha?" gulat ko "Sino si Beth?" ulit nya Di ako makaimik. Naibulalas ko
ang pangalan ni Beth. "Walanghiya ka. Eto at bini-bj
kita, iba ang nasa isip mo!" galit
na sabi ni Mabel. "'bel..." sambit ko Tumayo si Mabel at sinimulan
akong hampas-hampasin. "Gago ka! Gago ka! Sinong Beth?
Sino?!" "Mabel.... 'bel" sambit ko habang
iniilagan ang mga hampas nya "orifice ka! Ibang babae iniisip
mo.... ibang babae iniisip mo..." Tumigil sa kakahampas si Mabel.
Napaupo sya sa sahig. Umiiyak. "Gago ka! Bakit mo ako
ginaganito?" tanong nya habang
umiiyak "'bel..." di ko alam kung anong
sasabihin "Matapos kong ibigay ang sarili
ko sa yo, may iba ka palang
babae." patuloy nya "Di ganun 'bel..." sabi ko "Sino si Beth? Bago ba sya ha?
Sawa ka na ba sa akin ha?!!" galit
nyang tanong "Di ganun Mabel... di ganun..."
ang tangi ko lang masabi "Anong ginawa mo sa akin? Di
ako dating ganito? Ngayon
hinahanap-hanap ko lagi ang
sex. Ginawa mo sa akin ito.
Tapos.... tapos.... mambababae
ka pa!" gigil na gigil na sabi nya "'bel, di ko sinasadya" "Di sinasadya?! Pinilit mo akong
mag-sex dati. Di sinasadya?"
sumbat nya Di ako makasagot. "Bakit tahimik ka lang dyan?
Guilty ka no? Guilty ka no?" "Mabel... di ko sinasadya ang
lahat. Di ko gustong mangyari
ito, ang saktan ka" "Gago! Gago ka!" "'bel pakinggan mo ako. Kung
maibabalik ko lang, di ko
hahayaang umabot sa ganito.
Pero nangyari na. Kagustuhan
nating dalawa ang nangyari sa
atin." Umiiyak pa rin si Mabel. "Kailangan ko ng umalis. Wala
ako dapat dito 'bel" "Tang ina mo! Matapos mong
masarapan aalis ka na lang?"
sigaw nya "'bel... uulitin ko... pareho nating
gusto ito... pareho tayong...
nasarapan..." Di pa rin tumitigil sa hagulgol si
Mabel. Tumayo ako at kinuha
ang aking mga damit. Sinuot ko
ulit ang mga ito. "'bel. Alam ko may kasalanan
ako sa yo. Pero sana tanggapin
mo rin na meron ka ring parte
dito. Huwag mong lahat ibagsak
ang sisi sa akin. Pareho tayong
nadarang. Pareho tayong nahilig. Libog 'bel... libog ang
pundasyon ng relasyon natin. Di
pagmamahal." "Mahal kita Jun." "Sigurado ka ba 'bel? Nag-sex
muna tayo bago tayo naging
magnobyo. Mas nauna ang
libog." "Pero..." ani Mabel "Akala ko rin mahal kita Mabel.
Pero hindi pala. Init lang ang
nararamdaman ko. Katawan mo
lang ang hinahanap-hanap ko.
Masakit mang pakinggan pero
yun ang tutoo." "Jun? Paano na ako?" "Kailangan nating maging tutoo
sa isa't isa Mabel. Ayaw kong
saktan ka. Mas gugustuhin ko ng
sabihin sa yo ngayon ito kaysa
magpatuloy ako sa
pagkukunwari." Naiyak lalo si Mabel. "Paano ako Jun?" Kinuha ko ang bath robe at
lumapit ako kay Mabel. Tinakpan
ko ang hubad nyang katawan. "'bel... mali ako. Di na ako bata
para maglaro-laro pa. Gusto ko
ring magkapamilya. Tama na
ang kalokohang ginagawa ko." "Sinong lalaki pa ang papatol sa
akin Jun? Nakuha mo na ang
pagkabirhen ko?" "Di lang yun ang hinahanap ng
lalaki 'bel. Hinahanap namin ang
pagmamahal. Tunay na
pagmamahal." "Jun, di ko alam kung kaya ko." "Makakayanan mo 'bel. Nandito
ako para sa yo... bilang
kaibigan." "Jun?" "Kailangan ko ng magpaalam
'bel. Di kita malilimutan, ang
pinagsamahan natin, ang mga
kuwentuhan. Masaya ako na
naging tayo. Pero sa tingin ko
mas liligaya tayo kung maghiwalay tayo at hanapin ang
para sa atin talaga." Tahimik lang si Mabel. Lumapit
ako sa kanya at hinagkan ko ang
kanyang ulo. "Bye 'bel" Naglakad ako papuntang
pintuan at lumabas na. Di na
ako ...
...lumingon muli. Mabilis ang
ginawa kong mga paghakbang.
Ewan ko pero parang
nabunutan ako ng tinik. Parang
ang gaan ng pakiramdam ko. Di
ko gusto ang nangyari sa amin ni Mabel. Nasaktan ko sya. Pero...
pero... kailangan. Para sa mahal
ko. Para kay Beth. Kaagad akong nakakuha ng taxi
at sumakay. Pauwi ako sa may
amin, papunta kung saan ako
liligaya talaga... "Beth! Beth!" Tok! Tok! Tok! "Beth!" Di ako makapaghintay. Gusto
kong makita si Beth. Gusto kong
sabihin ang nararamdaman ko
para kanya. Tok! Tok! Bumukas ang pinto. "Bakit andito ka?" tanong ni Beth "Beth... pwede mo ba akong
papasukin?" Di kumibo si Beth. Pumasok ako
tapos sinara nya ang pinto. "Akala ko ba magla-lunch ka
kina Mabel?" tanong nya "Beth. Sorry. Sorry naging tanga
ako at manhid." "Anong pinagsasabi mo dyan,
Jun?" Napansin ko na mugto ang mga
mata ni Beth. "Umiyak ka ba?" tanong ko "Ha? Eh... hin... hinde." sagot ni
Beth habang kinukusot ang mga
mata. "Beth..." mahina kong sambit.
"May kasalanan ako sa yo. Di ako
tumupad sa usapan natin." "A... anong usapan?" tanong ni
Beth "Kailangan mo pa bang
magkunwari? Alam ko na alam
mo ang ibig kong sabihin." sabi
ko Tahimik lang si Beth. "Nangako ka... nangako ka na
lagi kang nandiyan para sa akin.
Tinupad mo ang pangako mo. Di
mo ako iniwan. Lagi kang
nariyan pag kailangan kita." sabi
ko. "Ako naman... di ko tinupad ang pinangako ko sa yo noon." Nakatingin sa akin si Beth.
Nangingilid ang luha. "Di naman talaga ako umaasa eh.
Nakikita kong masaya ka naman
eh. So masaya na rin ako."
mahina nyang sabi "Beth... narito ako... to keep my
promise... na ang pipiliin ko ay
ang karapatdapat sa akin." "Jun...." "Ikaw yun Beth. Ikaw ang
talagang mahal ko at gustong
makasama. It's always been
you." "Jun..." Pumapatak ang luha sa mata ni
Beth "Jun... di pwede... paano... paano
si Mabel?" "Hiwalay na kami ni Mabel.
Nagpaalam na ako sa kanya."
ang sinabi ko habang papalapit
ako kay Beth. "Minsan ko ng sinabi sa yo ito
Beth. Uulitin ko ulit. Mahal kita." Dumaloy ang mga luha sa pisngi
ni Beth. "Alam kong mahal mo ...

No comments:

Post a Comment