Patuloy ang paguusap namin
Beth. Pilit nya nilalayo sa isipan
ko si Des. Huwag daw akong
makonsensya dahil tama ang
ginawa ko. Balang araw daw,
mapapagisip-isip ni Des na tama ako. Naging mas malapit kami sa
isa't isa ni Beth. Madalas kaming
lumabas at mamasyal. Masarap
syang kakuwentuhan. Ilang
linggo ang lumipas,
naramdaman kong parang nahuhulog na ang loob ko kay
Beth. "Beth, pwede bang
magtanong?" tanong ko sa
kanya habang nasa kanila kami. "Oo naman. Ano yun?" balik
tanong ni Beth. "Ahhh... Ehhh..." di ko matuloy-
tuloy "Iiiiii... ooooo.... uuuuu"
natatawang sabat ni Beth "Kasi... kasi... ahhh... Beth... di ko
alam bakit di ko ito natanong
dati. Pero... pero... eto... ahhh...
may boyfriend ka ba?" "Ha ha ha yun lang ang tanong
mo tapos nagkakautal-utal ka na
dyan?" pangaalaska ni Beth. "Ikaw talaga..." sabi ko sabay
kamot sa ulo "Wala... wala akong boyfriend"
sagot ni Beth "Ahhh... ehhh... pwe... pwede
bang... pwede bang mag-
apply?" nahihiyang tanong ko sa
kanya "Apply? Anong apply?"
nalilitong tanong ni Beth "I mean... pwede ba kitang
ligawan?" diretsang tanong ko
na "Seryoso ka ba Jun?" "Oo... nain-lab ako sa yo Beth" Natahimik kami. "Jun..." may pagkaseryosong
tugon ni Beth. "Wala na akong
hahanapin pa sa lalaki. Nasa yo
na ang lahat ng hinahanap ng
karamihan ng mga babae.
Pero..." "Pero... pangit ako ganun?" sabat
ko "Ano ka ba? Di ka pangit no?
Lambing ko lang sa yo yun pag
tinatawag kitang pangit." sabi ni
Beth "So... ano yung pero?" tanong
ko "Jun... di ako bagay sa yo." "Aray ko! Sakit mo namang
magsalita Beth" "Tangek! Di ko sinabing di ka
bagay sa akin. Ako ang di bagay
sa yo" pagpapaliwanag ni Beth "Hello? Earth to Beth, earth to
Beth... Baliw ka ba?" pagbibiro
ko "Seryoso Jun. Di ako
karapatdapat na maging
girlfriend mo. Sa panahon na
nagkasama tayo, nakilala kita ng
husto. Napakabait mo. Di lang sa
akin kungdi rin sa ibang tao. Nakikita ko paano ka
makihalubilo sa iba. Wala akong
makitang kayabangan sa yo.
Kahit na may itsura ka, humble
ka pa rin. Di ka feeling gwapo." "Eh di naman talaga ako
guwapo eh" sabat ko "Guwapo ka. Nagpapaguwapo
lalo sa yo ang ugali mo."
pagtutuloy ni Beth. "Kung...
siguro ang swerte ko pag
naging boyfriend kita... kung" "Mas masuwerte ako kung
papayag ka na maging girlfriend
ko. Mahal kita Beth" walang
kagatol-gatol kong sabi "Ako rin... I think I'm in love
with you. Pero.." sabi ni Beth "Yun naman pala. Bakit may
pero pa?" tanong ko "Basta Jun. Di pwedeng maging
tayo. Ayaw kong masaktan ka." "Pero Beth..." "Mabuti pa siguro umuwi ka na.
Gusto ko ng magpahinga"
mahinang sambit ni Beth "Beth..." "Please Jun... please..." "Si... sige... mauna na ako..."
malungkot kong paalam. Pagkauwi ko sa amin, noon lang
pumasok lahat ang mga
pangyayari. Di ko alam kung
ano ang aking nararamdaman.
Lungkot... sama ng loob...
parang gustong sumabog ng dibdib ko. Di ko namalayang
pumapatak na ang luha ko.
Naiyak ako. Pumasok ako sa
kwarto at nahiga na. Paikot-ikot
ako sa kama. Di makatulog. "Galit ba sa akin si Beth?" tanong
ko sa sarili. "Bakit kasi
nagambisyon pa akong ligawan
sya?" Matagal bago ako nakatulog.
Lumipas ang mga araw, di ako
nagpakita kay Beth. Sadyang
iniiwasan kong makasalubong
ko sya. Dala siguro ng hiya na
aking nararamdaman. Pati na rin siguro ng sama ng loob na aking
dinadala. Isang sabado, habang
nanonood ng tv sa sala, may
kumatok sa pintuan. Tumayo
ako at binuksan ang pintuan. "Hello" bungad ni Beth "H.. hi..." sagot ko "Mmmmm busy ka ba?" tanong
nya sa akin "Ha? Ahhh ehhh hin.. hindi..." "Ah ok... pwede ba tayong
magusap?" tanong nya ...
...magusap?" tanong nya "Ahh... ehhh.... oo, oo" di ako
makatingin kay Beth "Ah, dito ba tayo sa pintuan
maguusap?" pabirong tanong ni
Beth "Ay... sorry... sorry... pasok
ka..." sabi ko. Pinaupo ko si Beth sa sofa.
Umupo ako sa hiwalay na
upuan. "Mmmmm... galit ka ba sa akin?"
tanong ni Beth "Ha... eh... hindi... bakit naman
ako magagalit?" sagot ko "Bakit di ka makatingin sa akin
aber?" tanong nya. "Tsaka bakit
mo ako iniiwasan? Tagal mong
di nagpakita. Di mo man lang
ako tinatawagan." "Sorry..." sambit ko habang
nagkakamot ng ulo. "Defense
mechanism siguro" "Bakit?" tanong nya. "Kasi... kasi... ewan ko... mula
nung gabing yun parang...
parang ang lungkot-lungkot ko.
Parang masakit ang dito ko"
sabay turo sa aking dibdib "Jun..." mahinang sambit ni
Beth. "Sorry kung nasaktan ka.
Sinabi ko lahat ng yun para di ka
nga masaktan. Pero nasaktan pa
rin pala kita. Sorry."
pagpapaumanhin ni Beth "Wala yun... hayaan mo na...
magiging ok din ako"
pagkukunwari ko "Masaya ako..." sabi ni Beth "Dahil nasasaktan ako?" sabat ko "Oist... di ako ganun ha. Di ako
sadista." sabi nya. "Masaya ako
dahil sa mga sinabi mo sa akin
nung gabing yun. Marami ng
nag-i love you sa akin pero nung
ikaw ang magsabi... parang... parang... yung... parang tutoo.
Parang galing talaga sa puso." "Eh tutoo naman talaga" sabi ko "Alam ko. Tingin ko naman di ka
magsisinungaling sa akin eh."
nakangiting sagot ni Beth.
"Salamat" "Salamat? Para san?" tanong ko "Sa pag-care mo sa akin... sa
pag-love mo sa akin." sagot ni
Beth. "Wala yun..." kunwari'y
pagwalang bahala ko "Seryoso Jun. Salamat. Meron pa
palang mga lalaking
nagmamahal talaga." "Bakit? Marami bang hindi?"
pamimilosopo ko "Marami Jun. Halos lahat ng
lalaki puro ulo sa baba ang
nagiisip. Di ang sa taas." "Tingin ko mali ka. Mas ...
No comments:
Post a Comment