Friday, March 16, 2012

Ikaw ang pinili ng PUSO 1


My Special Valentine

Ikaw Ang Pinili Ng Puso

Carla Giopaolo




CHAPTER ONE
“ You’re a square, Lisa. Para kang isang magandang kahon na wala man lang sorpresa sa loob. Nabo-bore ako sa iyo,” sabi sa kanya ni Mickey noong isang lingo lang.
Masakit na karanasan ang iwan ng boyfriend dahil boring daw ang nobya. Ang tawag niya roon ay double whammy---- nasaktan na puso, nasaktan pa ang ego.
Matapos ang dalawang taon ng inakala niyang may patutunguhang relasyon, walang seremonyang sinabi nito ang ganoon at pagkatapos ay nagpaalam. Saka na lang niya nalaman na kinakalantari pala nito ang residenteng pokpok ng 345 Ayala Avenue kung saan sila pareho nagtatrabaho.
The guy just wanted sex. Kailangan pang alipustain at tapakan ang manipis niyang tiwala sa sarili para lang makakakuha ng dahilang mangalantari ng ibang babae.
Ang kapal ng mukha!
Ngayon, naiwan tuloy siyang nagtatrabaho sa isang gusali na parating laman ng usapan sa elevator ang manyakis niyang ex-boyfriend at ang nymphet nitong receptionist. Ang mga kaopisina niya ay may average na edad forty-five at ang tawag sa kanya ay hindi ‘Lisa’ o kaya ay ‘Miss Cantos’ na siyang apelyido niya kundi ‘kolehiyala sa PR department’. Ang boss niya ay kasing-tanda ng tatay niya at ang tawag naman sa kanya ay ‘Ineng’.
Bukas ay dalawampu’t limang taong gulang na siya. At tama na! Kailangan na niya ng bagong buhay!
Sumakay siya sa MRT kanina sa pagpasok sa opisina dahil hindi maaaring ilabas sa kalsada ang kanyang kotse sanhi ng traffic color scheme. Habang biyahe ay nag-isip-isip siya kung ganito ba talaga ang gusto niyang gawin sa susunod na dalawampu’t limang taon pa ng buhay niya.
Marami siyang nabuong panukala sa utak niya. Pero iisa lang ang tema: Kailangan ng buhay niya ng malaking pagbabago. Kumbaga sa truck, kailangan niya ng overhaul.
Pagdatingsa opisina, binuksan niya ang computer at gumawa lamang ng tatlong bagay: naglista ng mga plano niyang gawin, nag-upload ng resume sa JobStreet.com at nagsulat ngresignation letter. Nakalagay sa huli ang mga salitang ‘effective immediately’.
Pagkatapos ng lahat ng iyon, tumayo siya sa upuan at nagtungo sa HR department. Ipinatong niya ang sulat sa ibabaw ng lamesa ng HR manager at iniwan ito na nakatunganga sa kanya.
Lumabas siya ng gusali nang mas masaya kaysa naramdaman niya kahit kalian sa loob ng tatlong taon. At parang pelikula, umihip ang malakas na hangin at inilipad lipad ang kanyang mahaba, alon-alon at maitim na buhok.
Muli niyang tiningnan ang kanyang listahan at binasa ang unang nakasulat doon:
Quit job. Naglagay siya ng check sa tabi niyon.
Malamang masesermunan siya ng kaniyang Tita Melanie sa kanyang pagiging pabigla-bigla sa pagdedesisyon kapag nalaman nitong umalis siya sa trabaho. Twenty-six years na itong nagtatrabaho sa isang bangko kung saan ito ang tumatayong vice president for business development, walang asawa at tanging siya, mula nang ihabilin siya rito ng namayapang mga magulang noong sixteen siya, ang inikutan ng buhay nito.
Samantala, magsa-shopping siya sa Greenbelt 5, magpapa-parlor at mamayang gabi, magkikita sila ni Jaime sa isang bar para salubungin ang twenty-fifth birthday niya at ang bago niyang buhay.

HANDA NA SIYA para lumabas nang gabing iyon. She felt like a million dollars. Ang suot niyang gimmick outfit ay mula sa Zara at ang kanyang hair and makeup ay gawa ng David’s Salon.
Pakiramdam ni Lisa ay sadyang tumaas ang net worth niya dahil sa makeover nang pumasok siya sa tagpuan nila ni Jaime sa The Fort dahil napapatingin sa kanya ang lahat ng kalalakihan doon. Dumerecho siya sa bar kung saan nila usapang magkikita/.
Sumapit ang alas diez; nairita na siya dahil walang Jaime na dumarating at kung sino-sinong pervert na ang lumalapit sa kanya.
Kinuha niya ang cellphone sa bag at nag-dial ng numero ng kaibigan.
“Beki nas’an ka na?” kaagad na tanong niya sa kaibigan. ‘Beki’ ang tawag rito dahil bakla ito.
“Nandito pa ako sa office, eh. Pinipilit naming tapusin ang ilalaman ng March issue,” walang pasintabing tugon nito. Si Jaime ay stylist ng isang sikat na fashion magazine.
Nagsalubong ang bagong ahit niyang mga kilay. “Gaga! Hinihintay kita rito sa bar mula pa kanina.”
Narinig niya ang pagkagulat nito. “Ngayon ba ‘yun? Di ba bukas pa birthday mo?”
“Beki hindi magandang joke ito. Kanina lang umaga tayo magkausap.”
“Sis, sorry. Ang pagkakaintindi ko sa usapan natin ay ise-celebrate natin ang birthday mo. Di ba bukas pa birthday mo?”
Huminga siya ng malalim. “Ang usapan natin ay sasalubungin natin ang birthday ko. At ngayon ay dalawang oras na lang bago ako mag-birthday!”
“Naku! Pasensya na, ha. Mali talaga ang intindi ko at hindi puwedeng umalis ang sister mo ngayon. Baka umagahin kami. Maghanap ka na lang muna ng fafable diyan para may ka-join ka. Babawi ako sa iyo, Dearie. Forgive mo na ang lola mo, ha?”
Ano pa nga ba ang magagawa niya?
Ibinibaba ng dalaga ang telepono at pinigilan ang sariling mabuwisit. Hindi diya maiinis! Kailangan niyang alalahanin na dalawang oras na lang ay sasalubungin na niya ang kanyang bagong buhay.
Hindi niya sasayangin ang oras niya sa pagkainis.
“Vodka tonic, please,” sabi niya sa bartender.
“Tony, give her a vodka tonic and put it on my tab,” sabi ng katabi niya.
Oh no, another pervert from hell.
Tiningnan niya ito para sabihan ng standard line na ‘No thank you’ pero kaagad siyang natigilan.
Hindi ito mukhang pervert! Mukha itong…guwapo. Sobra-sobrang pagkaguwapo!
Nakalimutan na niyang magprotesta sa panlilibre nito sa kanya ng inumin. Inabot niya ang vodka tonic na ibinigay ng bartender at ininum iyon dahil tila natuyo ang lalamunan niya.
“Salamat,” sinabi niya matapos gumuhit sa kanyang lalamunan ang alcohol.
Nginitian siya nito. Or more correctly, he gave her a naughty, lopsided grin. “Alone?” tanong nito. His eyes were dark, sexy and dangerous.
“Y-yes,” tugon niya.
Ipinaalala ni Lisa sa sarili na kailangan niyang maging mas magaling makipag-usap kung nais niyang magmukhang woman of the world. Iyon ang pangalawa sa listahan niya: Be more liberal, at sa tabi niyon ay nakasulat pa --- think Sex and the City.
Ngumiti siya sa paraang inisip niyang kaakit-akit. “Are you?” ibinalik niya ang tanong dito.
Nagtagumpay yata ang kaakit-akit na ngiti dahil lumapit ito nang bahagya sa kanya.
“Hindi na ngayon,” sagot nito.
Naramdaman niya ang hininga nito sa bandang batok niya. Nanginginig ang tuhod niya sa sobrang lapit nito. No man had ever affected her this way.
Lalo naming hindi pa siya nakaramdam ng ganoong interes sa mga labi ng isang tao. Hindi na siya masyadong conscious na tinititigan niya ang labi ng kaharap habang nagpapantasya kung ano ang pakiramdam ng mahalikan niyon.
 Nang hawakan nito ang kamay niya sa ibabaw ng bar counter at marahang haplusin ang kanyang balat, halos hindi siya makahinga. She had also never felt so sexually aware of anyone. Hindi ba at iyon na nga ang isa sa mga issues ng kanyang dating kasintahan?
Itinaas niya ang paningin. At lalo siyang nataranta sa nakita sa mga mata nito. Hindi siya sanay sa ganitong laro. Pero alam niya ang ibig sabihin ng tingin na iyon dahil iyon ay eksaktong sumasalamin ng nararamdaman niya.
Inilapit nito ang mukha sa gilid ng kanyang pisngi para bumulong sa kanya.
“Let’s get out of here,” suhestyon nito.
Ang tunay na Lisa Cantos ay nakaramdam ng takot.
Pero may kung ano sa sandaling iyon na hindi niya kayang tanggihan.
Kaya sa kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay niya, sumama siya sa isang lalaking hindi niya kakilala.
Nag-uusap sila sa kotse patungo sa tirahan nito, pero halos wala siyang naintindihan. Ninenerbyos siya. Pero sa kabila ng nararamdaman ay tinitingnan niya ang kamay nitong nakapatong sa manibela a iniisip na sana muli siyang hawakan niyon.
Malinaw na malinaw, may mali talaga sa utak niya.
Nakarating sila sa condominium unit nito na nasa loob ng The Fort. Hindi mahirap isiping mayaman ang lalaking kasama niya.
Ipinagsalin siya nito ng alak at tinanggap niya ang kopita. Tahimik silang sumimsim. Mayamaya ay nagtitigan sila. Muli niyang naramdaman ang kamay nito sa kanyang leeg.
His hand felt like the way she imagined a man’s hand should be. Strong and slightly rough but gentle against a woman’s skin. Ang isa pa nitong kamay ay marahang bumalot sa kamay niyang may hawak na baso upang kunin iyon sa kanya.
Ang kamay na humahaplos sa kanyang leeg ay naglalakbay sa balikat niya. Napasinghap siya nang maramdaman niya ang labi nito sa lugar na inalisan niya ng kamay nito. Marahang bumalik ang kamay nito sa kanyang baba, itinaas iyon para mailapit ang labi nito sa kanya.
“I want you,” he said softly.
Hindi ito naghintay ng kasagutan. Hinalikan siya nito. And she sighed against the feel of his lips. Naramdaman niya ang dulo ng dila nito na inuudyukan siyang buksan ang kanyang mga labi. Ginawa niya iyon. She opened her mouth and she had the dizzying sensation of being kissed like she had never been kissed before. Eksperto sa seduction ang lalaking kapiling niya.
Gumalaw ang kamay nito patungo sa zipper sa likuran ng kanyang damit. Hindi niya alam ang nangyayari sa kanya. Para siyang possessed dahil imbis na pigilan ang ginagawa nito ay tila nakikipag-unahan pa siya rito na matanggal ang kasuotan ng isa’t-isa. Masyadong malakas ang kagustuhan niyang maramdaman ang balat nito sa kanyang balat.
Dinala siya nito sa napakalaking kama at doon tinanggal ang kahuli-hulihan niyang kasuotan. He placed a burning kiss on her stomach and trailed a kiss there back to her lips.
“Do you have any idea how beautiful you are?” bulong ng lalaki.
Bumababa ang isang kamay nito sa kanyang mga hita. Lisa gasped when he touched her core, but she closed her eyes and allowed his exploration.
“Touch me,” he again whispered, his voice thicker.
Hindi niya alam kung paano magsimula, pero sinundan niya ang kanyang instinct at pinakiramdaman ang bawat reaksyon nito sa kanyang mga haplos. She felt bold by his gasps as she touched his body.
She knew that they were sharing nothing but pure unadulterated lust. At wala siyang pakialam. Naramdaman niya na may kinuha ito sa bedside table at narinig niya ang tunog ng pagpunit ng plastic na lalagyanan. Hindi na niya naalalang protektahan ang sarili at napangiti siya dahil sa pagiging maingat nito.
His knee slightly nudged her legs apart and she readied herself for him.
Sa likod ng utak ng dalaga, iniisip niya na totoong totoo na ang nangyayaring ito. She was finally experiencing sex. At nangyayari ito kapiling ang isang estrangehero.
Inangkin nito ang kanyang mga labi at ang isa nitong kamay ay naglalaro sa dibdib niya. She was lost in a sensual cloud that he was making. Lumipad na sa isipan niya ang anumang agam-agam sa hinahayaan niyang maganap.
It hurt a bit when he made his first thrust inside her.
Naramdaman niya rin ang pag-aalinlangan nito. Tumigil ito nang matanto na unang pagkakataon iyon para sa kanya. Hindi niya ito hinayaang tumigil dahil doon. She pushed herself up to meet his thrust, her nails digging deep on his back as she closed her eyes to the sudden pain. Kumapit siya sa braso at likod nito habang sinasanay ang sarili sa d pamilyar na pakiramdam na iyon.
Hinawakan ng lalaki ang magkabila niyang pisngi.
“Look at me. I want to see your face,” utos nito.
Binuksan niya ang kanyang mga mata at tiningnan ito.
His eyes were burning with unfathomable desire. Marahan ang paggalaw nito habang nakatitig sa kanyang mukha.Tinitingnan siya nito kung mayroon pang senyales na nasasaktan siya sa bawat galaw nito. Subalit hindi na siya nasasaktan. All she was feeling was the desire to feel him more strongly inside her.
She clung to him as she felt the heat bursting inside her. She bit his shoulder to keep herself from screaming in pleasure that was totally new to her.

NAUNA SIYANG NAGISING dahil sa liwanag ng araw na pumapasok sa bintana.
Oh, my God! Naibulas niya sa isip nang Makita ang hitsura ng kaguluhan ng kama. Parang may wrestling match na naganap sa ibabaw niyon.
Pakiramdam niya ay pulang-pula ang pisngi niya sa alaala ng nangyari nang nakaraang gabi. Man, she was wild!
Kung nakita lang siya ni Mickey ng ganito, hindi siya nito maiisipang sabihan ng boring.
Mula sa pagkakadapang higa ay kumilos ang lalaking natutulog sa kama. Napahakbang siya paurong. Natakot siyang Makita nito habang nakatayo siya sa gilid ng kama at nakayakap sa isang unan dahil wala siyang maibalot sa kahubaran.
Humiga lang ito ngunit nanatiling mahimbing ang tulog. Nakapikit ito kaya halos nakalapat sa pisngi ang mahahabang pilik. Matangos ang ilong nito na katulad sa mga banyaga. And his mouth was really sexy, curving sensuously upward on both sides, even when he was asleep. Hindi lang ito guwapo sa dilim. Guwapo ito kahit anong klase ng liwanag.
Habang nakatayo roon, biglang naisip ni Lisa na hindi niya alam ang sasabihin sa estranghero kapag nagising ito. Dali-dali niyang kinuha ang underwear na nakakalat sa sahig at binalikan sa sala ang iba pang saplot na tinanggal ng lalaki sa kanyang katawan nang nakalipas na gabi.
Mabilis siyang nagbihis upang lisanin ang lugar na iyon.
“Happy Birthday, Lisa!” bati niya sa sarili.
Hindi niya makaklimutan ang gabing iyon ng kanyang twenty-fifth birthday…kahit kailan.
Tumigil siya sa labas ng condo building at tumingin pataas sa level ng floor nito. Mami-miss niya talaga ang lalaking iyon. Kahit hindi niya alam kung tama ang gayong pakiramdam sa taong hindi niya alam kung ano ang pangalan.

No comments:

Post a Comment